Pages

Thursday, February 26, 2009

Adobo PutoShop, atbp

      Iba talaga ng Pinoy kapag ang pinag-usapan ay paglalaro ng mga katagang hiniram sa Ingles at ginamit bilang Filipino o ang kabaligtaran nito. Kitang-kita mo ang ating angking talino sa paggamit ng dalawang wika sa mapaglikhang paraan!

     Katulad ng Adobo Putoshop. Yan ay pangalan ng isang kainan sa San Juan na ang specialty ay ano pa, puto. Hehehe! Siempre, hiram yan mula sa Adobe Photoshop. Malapit naman sa aming bahay, may pagupitan na ang tawag ay "Felix the Cut" Salon. Hehehe na naman! Minsan naman nang naglalakad ako sa may Quinta Market sa Quiapo, nakita ko na naman na nakapatong sa isang tumpok ng maliliit na hipon ang "Hibi duty".

     Nakupo, galing talaga natin! Kayo, meron pa ba kayong idadagdag dito?

     

No comments:

Post a Comment