(Isinulat noong Nobyembre 2008, sa gitna ng lubos na pagkalito sa kinahahantungan ng pagbabalik ng ating pagkakaibigan.)
Mula sa karimlan, muling nagbalik
Pagtanggap may pag-aalinlangan
Mula sa putikan, muling lumitaw
Hinugasang, nagbagong kalooban
Kung kaibigan ang turing
Yayakapin,Walang pagdududa, walang pangamba
Ngunit kapag katagang may hibla ng pag-ibig, sinasambit
At bahid ng nagdaan ipinaalala
Inog ng puso ko'y naiiba.
Umuusbong na pagtitiwala, nabubura.
Ano nga ba ang iyong nararamdaman?
Ano nga ba ang iyong ninanasa?
Tila di mag-aabot ating mga pangangailangan
Tila di magkakatapat, inaasam mula sa isa't-isa.
Hindi ko alam kung dapat pang magpatuloy
Itong pag-aalinlangan, pagtataka, pagtatanong
Kung ako'y lumayo
Sagot ba ito upang maibalik ang kapanatagan,
Manahan, katahimikan ng kalooban?
Ano nga ba, Luna, kaibigan
Ang tunay na kasagutan?