Pages

Monday, October 1, 2007

Parang ang layo mo


USC Talamban Chapel, Cebu

Kung minsan, parang ang layo-layo mo
Lalo na kapag nagagalit ako... sa mundo.
Sa mga taong di umaayon sa mga pagkilos na inaasahan ko
Sa mga pagsubok na sunod-sunod
Sa mga pangangailangang di matapos-tapos
Sa aking pangungulila sa mga kaibigang nawala
Sa kadilimang sumisilip mula sa kalaliman ng aking diwa.

No comments:

Post a Comment