Pages

Wednesday, May 27, 2009

8 Things I Learned in UP

 Simula na naman ang klase sa June 9 kung kaya't naghahanda na naman ako ng mga materyales. Ano nga ba't itong mga sumusunod ang aking nakita. Hindi ko na matandaan kung alin ang galing sa isang text message at alin ang aking isinulat (Palagay ko yung huli ang sa akin!). Pero magandang silang paalaala sa haharapin ulit ng mga estudyante sa pagbukas ng bagong semestre. Good luck sa ating lahat!

1. Suggested readings are MANDATORY
2. You can know everything, yet still fail an exam.
3. All your classmates are brilliant. Others just aren't studying.
4. Teachers are impressed with no one.
5. Your best efforts could still get a 5.0
6. Every class is like a thesis defense. It's not enough that you understand, you have to know how to explain it as well.
7. Seatworks natin, finals sa ibang school!
8. Ang yabang natin!

Monday, May 25, 2009

Alay sa UP Freshmen 2009

Address for CSSP Freshmen Survival Handbook

  

Huminga ng malalim

Namnamin, naiibang simoy ng hangin

Na malayang umiihip sa Diliman

Pangarap, inasam-asam, narito na ang kagampanan.


Laging makakasama,

Amoy ng mga pauli-ulit na ulam sa CASAA,

Monay,camote-Q, turon, at carioca

Malalanghap, usok ng IKOT at TOKI jeep

Kahalo ng mga hininga

Ng sa paglakad at pagtakbo sa Academic Oval, 

Kalusuga’t pagpayat iniaasa.


Pagmasdan ang luntiang kapaligiran,

Matatayog na mga gusali, bago at luma

Tandaan mabuti ang mga bagong mukha

Abangan, mga palabas sa teatro at lansangan

Imulat ang mga mata sa lantad na katotohanan

Dito tayo sa UP, nirerespeto ang kaibhan.


Pakinggan nang mabuti

Tunog ng kampanang umaawit, halakhak sa mga tambayan

Mga sigaw ng protesta, mga bulungan ng nag-iibigan

Mga boses na gagabay sa inyong mga unang hakbang

Mga tuntunin at payo, huwag kalimutan

Mga balita ng mga guro at kolehiyo,inyong abangan.


Yakapin ang mga karanasan

Hatid ng inyong pagbaybay sa di-patag na daan

Matuto mula sa mga kamalian

Ipagbunyi ang mga suliraning pagtatagumpayan!


Pagbating mainit aming alay

Pangakong maingat na pagsubaybay

Habang hinuhubog, inyong mga diwa’t isipan  

Upang maisapuso, paglilingkod sa Sangkatauhan

Kayong hinirang na mga bagong Iskolar ng Bayan!

Thursday, May 14, 2009

Vertigo

Lightheaded
In the supermarket
Is it vertigo again
From looking up and down
The aisles and rows of goods
To feed my hungry family?

Or dizzy
Over the overwhelming  circumstances
Of Mama's sickness and hospital bills?
Out of my reach
Beyond my control

Or just bone tired
And sleep deprived?
Shuttling from job to job
101 to Psych to Home...
To St. Luke's to Church to PETA
Wanting to do it all
Because I have to do it all

I need to stop and sit
Close my eyes
Rest my mind
Catch my breath

To reclaim Me
Even if only for a moment.
Better yet
Until the spinning is no more.

Tuesday, May 12, 2009

Odds & Ends 2009


Powie's Creative Musical Theater recital @ PETA

The year in pictures... Work in progress