Para akong nauupos na kandila.
Hayaan ko na lang kayang matunaw
Hanggang maibsan ang pangungulila
Walang matira sa pag-irog, ni hibla.
Upang sa pagmulat ng aking mga mata
Sa madilim na katotohanan,
Mapait na pagpapatunay
Na sa aking buhay, Siya ay lumisan na.
No comments:
Post a Comment